i'm young and fresh and the world is out there for me to conquer. feel free to visit my first blogsite: www.tornphoenix.blogdrive.com
Tuesday, March 25, 2008
the photo doesn't have to do anything with the write up
like i said, the photo doesn't have to do anything with the write up. nakita ko lang with noriko, my niece, sa tv yesterday. super cute si pocoyo! at favorite ko si pato! so cute!
i have been attending morning masses every day for 2 or 3 weeks now and i must say, the discipline to keep at it is great. every day, god gives us reasons (and the grace to recognize the need) to redeem ourselves, and god also gives us opportunities to do so.
sa ngayon, hindi ko masasabing walang paltos ang pagpunta ko sa misa. sa ibang mga pagkakataon, kung hindi ako nakakapunta sa umaga, nagsisimba ako sa gabi. at hindi ko rin maitatanggi na sa ibang misa ay lumilipad ang isip ko, nababaling sa mga problema't plano ko sa buhay. at sa tuwing may choir, 25% ng attention ko ay nasa pakikinig sa choir: "ay, hindi nila ginagawa 'yung triplet," "ang pangit ng phrasing," "okay 'yun ah. i-blog ko nga later."
but above all, minsan nagugulat ako sa mga taong pumapasok sa isip ko para ipagdasal: mga minamahal, kaaway, pamilya, kaibigan, kaibigan ng kaibigan, kaibigan ng kaibigan ng kaibigan, pulitiko, at kung sinu-sino pa.
kanina, naisip ko habang naglalakad pauwi, kung itetext ko ang mga ipinagdadasal ko. pero sa isang banda, "'wag na. basta nandun na mga prayers ko kay lord."
but if you're reading this, isa ka dun sa mga ipinagdasal ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment